Connect with us

Pinoy jins, puspusan na ang paghahanda para sa 2020 Tokyo Olympics Qualifying Tournament

Philippine Taekwondo Association

Sports

Pinoy jins, puspusan na ang paghahanda para sa 2020 Tokyo Olympics Qualifying Tournament

Sisimulan na ng Philippine Taekwondo Association (PTA) ang kanilang kampanya sa nalalapit na Asian Qualification Tournament para sa 2020 Tokyo Olympics.

Nakatakda ang kanilang qualifying match sa April 10 at 11 sa Wuxi, China na kasalukuyang naka-lockdown dahil sa 2019 novel coronavirus (2019-nCoV).

Ayon kay Stephen Fernandez, PTA Chairman for Regional Affairs, wala pa namang binibigay ang Asian Federation ng bagong schedule at venue.

Anya, sakaling mag-iba ang venue ng event ay nakahanda naman ang national team na mag-adjust.

Sa ngayon ay patuloy ang pag-eensayo ng mga Pinoy jins para sa torneyo.

Sa katunayan, ang 8 nakakuha ng gintong medalya sa nakaraang Southeast Asian Games 2019 ay ipadadala lahat ng PTA sa qualifying tournament.

Matatandaan na nag-qualify na dati sa 2016 Rio Olympics ang Philippine Taekwondo Team.

More in Sports

Latest News

To Top