National News
Pinoy mental health workers, hiniling ni Zelenskyy para sa Ukraine
Hiniling ni Ukrainian President Volodymyr Zelenskyy na magpadala ang Pilipinas ng mga Pilipinong mental health workers sa kanilang bansa.
Itoy para matiyak ang kapakanan ng mga sundalo sa gitna ng nangyayaring Russia-Ukraine war.
Para kay Pangulong Bongbong Marcos Jr., posible aniyang matutugunan niya ito lalo na’t ang Pilipinas ay kilala sa larangan ng healthcare service.
Kasama rin ito ani PBBM sa pangako ng Pilipinas sa United Nations kaugnay sa peacekeeping process.
Nagpulong na ngayong araw, June 3 sa Malacañang si PBBM at Zelenskyy.
