National News
Pinoy Pharma Company, panalo ng 3 gold medals sa isang innovation summit sa Poland
Panalo ng 3 gold medals ang mag-amang Pinoy na sina Richard Nixon Gomez at anak nitong si Rigel sa ginanap na Grand Prix 2024 sa e-nnovate international invention & innovation summit sa Poland.
Ayon sa Department of Science and Technology (DOST), ang 3 gold ng bauertek farmaceutical technologies ng mga Gomez noong nakaraang linggo ay para sa cancur, picur at black garlic food supplement kung saan katuwang ang Mariano Marcos State University.
Ang cancur ay isang cannabis-based product na makatutulong sa mga pasyenteng may epilepsy, parkinson’s disease, alzheimer’s disease, anxiety, depression, sleep disorder at pain management.
Ang picur naman ay isa ring cannabis-based product bilang treatment sa breast cancer, prostate cancer, cervical cancer, colon cancer, at iba pang mga sakit.
Samantala, ang black garlic ay para sa may nerve disorders at iba pang uri ng cancer.
