Connect with us

Pinsala ng bagyong Odette sa agrikultura at imprastraktura, pumalo na sa P47-B

Pinsala ng bagyong Odette sa agrikultura at imprastraktura, pumalo na sa P47-B

National News

Pinsala ng bagyong Odette sa agrikultura at imprastraktura, pumalo na sa P47-B

Matapos ang halos 2 buwan na paghagupit ng bagyong Odette sa Visayas, Mindanao at ilang bahagi ng Luzon, pumalo na sa mahigit P47-B ang pinsala ng bagyo sa agrikultura at imprastraktura.

Sa huling tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), nasa P17.7-B ang iniwang pinsala sa agrikultura ng bagyo habang P29.3-B sa imprastraktura.

Naitala ang pinakamatinding pinsala sa agrikultura sa Western Visayas, MIMAROPA, Eastern Visayas, Central Visayas, Northern Mindanao at Caraga.

Sa imprastraktura, ang Caraga ang matinding tinamaan na may P22.8-B na pinsala habang nasa P4.2-B naman sa Central Visayas.

Samantala, naibalik na ang kuryente sa 403 mula sa 427 na bayan at lungsod ngunit nananatiling unstable ang telecommunications sa 76 lugar.

Naibalik na rin ang supply ng tubig sa 96 mula sa 156 na lungsod at munisipalidad.

More in National News

Latest News

To Top