National News
Pinsala ng El Niño sa sektor ng agrikultura, inaasahang tataas pa
Inaasahang magpapatuloy pa ang pagtaas ng halaga ng pinsala ng el niño sa sektor ng agrikultura sa buong bansa.
Batay sa huling datos ng Department of Agriculture (DA), aabot na sa P4.35-B ang danyos sa mga panananim hanggang nitong Marso a-31.
Pinakamalaking napinsala ng tagtuyot ang mga palayan kung saan aabot sa P2.69-B ang nasirang palay o katumbas ng 125, 589 metric tons.
Habang nasa P1.66-B o 107,416 metric tons ang pinsala ng el nino sa produksyon ng mais.
Aabot naman sa halos 140,000 magsasaka naman ang apektado ng nararasang tagtuyot ngayon sa bansa na inaasahang mararamdaman sa buwan ng Agosto.
Sa kabila naman ng naitatalang epekto ng el niño sa bansa ay una ng sinabi ng National Economic and Development Authority (NEDA) na magiging maliit lang ang epekto nito sa ekomoniya ng bansa.
Kabilang naman sa mga apektadong probinsya ang Cordillera Administrative Region (CAR), Regions, 1,2,3, 4-A, 4-B, region 5, 6, 8, 9, 10, 11, 12 at ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM.)
DZARNews