National News
Pinsala ng El Niño sa sektor ng agrikultura, pumalo na sa P9.5-B – DA
Pumalo na sa P9.5-B ang halaga ng pinsala sa sektor ng agrikultura ng nagpapatuloy na El Niño sa bansa.
Sa datos ng Department of Agriculture (DA) hanggang noong May 16, higit na naapektuhan ng matinding init ng panahon ang palay kung saan aabot sa P4.6-B ang naitalang pinsala.
Sinundan ito ng mais na may higit 180-K MT ng produksyon ang nasira.
Pumangatlo naman sa lubos na napinsalang pananim ang kamoteng kahoy na sinundan ng iba pang high value crops.
Bukod sa mga pananim, halos P58-M rin ang napinsalang palaisdaan habang higit P10-M ang damage sa livestock and poultry.
Samantala, aabot naman sa 1-B ang naipaabot na tulong sa mga apektadong magsasaka at mangingisda sa ilalim ng iba’t ibang programa ng kagawaran katuwang ang iba pang ahensya ng pamahalaan.
