Connect with us

Pinsala sa imprastraktura at agrikultura ng bagyong Goring, halos P2-M na – NDRRMC

Pinsala sa imprastraktura at agrikultura ng bagyong Goring, halos P2-M na – NDRRMC

National News

Pinsala sa imprastraktura at agrikultura ng bagyong Goring, halos P2-M na – NDRRMC

Halos P2-M na ang halaga ng pinsala sa imprastraktura at agrikultura ng bagyong Goring.

Batay ito sa pinakahuling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Umakyat sa mahigit P895-M ang halaga ng pinsala sa imprastraktura, kung saan naapektuhan nito ang 126 imprastraktura sa Ilocos Region, Cagayan Valley, MIMAROPA, Western Visayas at Cordillera Administrative Region (CAR).

Habang 1,544 kabahayan ang napinsala ng bagyo, kung saan 265 ang totally damaged at 1,279 ang partially damaged.

Lumubo naman sa mahigit P959-M ang halaga pinsala sa agrikultura sa Cagayan Valley, Central Luzon, MIMAROPA, Western Visayas at CAR.

Umabot na sa 34,303 magsasaka at mangingisda ang naapektuhan ang kabuhayan dahil sa bagyo.

More in National News

Latest News

To Top