Connect with us

Pinsala sa imprastruktura at agrikultura ng bagyong Goring, higit P1.3-B na – NDRRMC

Pinsala sa imprastruktura at agrikultura ng bagyong Goring, higit P1.3-B na – NDRRMC

National News

Pinsala sa imprastruktura at agrikultura ng bagyong Goring, higit P1.3-B na – NDRRMC

Lumubo na sa mahigit P1.3-B ang halaga ng pinsala sa imprastraktura at agrikultura ng Bagyong Goring.

Batay ito sa pinakahuling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Mahigit P727-M ang pinsala sa 37 imprastraktura sa Ilocos Region, Cagayan Valley, MIMAROPA, Western Visayas at Cordillera Administrative Region (CAR).

Habang 1,378 kabahayan ang napinsala ng bagyo, kung saan 240 ang totally damaged at 1,138 ang partially damaged.

Umabot na sa mahigit P623-M ang pinsala sa agrikultura sa Cagayan Valley, Central Luzon, MIMAROPA, Western Visayas at CAR.

Naapektuhan ng bagyo ang 17,801 magsasaka at mangingisda sa mga nabanggit na rehiyon

More in National News

Latest News

To Top