Regional
Pinuno ng notorious criminal gang sa Southern Luzon, napaslang ng PNP
Napaslang ang tinaguriang notoryos na lider ng Concepcion criminal gang ng Southern Luzon na kinilalang si Gilbert Concepcion.
Resulta ito sa pagtutulungan ng pinagsanib na puwersa ng Southern Luzon Police at National Capital Region Police Office (NCRPO).
Ang grupo ay sinasabing sangkot sa iba’t-ibang kaso tulad ng murder at extortion sa malaking bahagi ng Southern Luzon.
Kasama na rito ang pagpaslang sa isang kapitan sa Libon, Albay noong kasagsagan ng Barangay at SK election na naging dahilan para isailalim sa red category ng Commission on Election (Comelec) ang lugar.
Sa inisyal na impormasyon, hindi bababa sa 200 katao ang napaslang ng Gilbert Concepcion Group.
Napagalaman din na dating miyembro ng CPP-NPA Southern Luzon si Gilbert at ng magbalik loob ito sa pamahalaan ay saka ito na-recruit bilang informant ng Philippine Army subalit kalaunan ay nag AWOL ito.
Sinasabing ang mga nakuhang kaalaman at pagsasanay ni Gilbert sa militar ang ginagamit nito sa kanilang mga iligal na aktibidad.