International News
Pinuno ng simbahan sa SoKor, sinampahan ng kasong kriminal
Pormal nang nagsampa ng kasong kriminal ang mga opisyal ng Seoul, South Korea laban sa mga pinuno ng Shincheonji Church of Jesus.
Sinasabi kasi na ang kontrobersyal na Christian Sect ang di-umano’y sentro ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) outbreak sa South Korea.
Ayon sa mga opisyal, kailangang managot ng naturang simbahan dahil sa hindi nito pagpayag na makiisa sa isinasagawang hakbang ng mga otoridad upang makontrol ang tuluyang pagkalat ng sakit.
Humingi naman ng paumanhin ang 88 taong gulang na pinuno ng simbahan na si Lee Man-Hee dahil sa nangyari.
Aniya, ginawa naman daw nila ang lahat ng kanilang makakaya upang makaiwas ngunit hindi sila nagtagumpay.