National News
Piston, muling magsasagawa ng transport strike ngayong linggo
Muling magsasagawa ng transport strike ang grupong Piston ngayong December 14 – 15.
Makakasama sa mga ito ang kanilang kaalyadong mga grupo mula Central Luzon at Southern Tagalog.
Maging ang militant labor group na Kilusang Mayo Uno ay sinasabing sasama rin.
Naunang nagsagawa ng transport strike ang Piston noong November 20 – November 22 at ang grupong Manibela simula November 22 – November 24, 2023.
Iginiit ng Piston na hindi pa napapanahon ang pagsasagawa ng PUV Modernization Program dahil hindi nila kakayanin ang gastos sa modern jeep lalo na at patuloy ang pagtaas sa presyo ng bilihin at mga produktong petrolyo.
Nilinaw naman ng grupo na hindi sila tutol sa modernization program pero sana ay bigyan sila ng sapat na panahon o kaya tulong para makakuha ng iniaalok na modern jeepney.