Connect with us

Plano ni Guanzon na maging congresswoman sa 19th Congress, hindi mapipigilan ng COMELEC

Plano ni Guanzon na maging congresswoman sa 19th Congress, hindi mapipigilan ng COMELEC

National News

Plano ni Guanzon na maging congresswoman sa 19th Congress, hindi mapipigilan ng COMELEC

Malaki ang posibilidad na makasama si dating COMELEC Commissioner Rowena Guanzon bilang mambabatas ng 19th Congress.

Ito ay matapos na inamin ng Commision on Elections (COMELEC) na hindi nito mapipigilan si ex-Commissioner Rowena Guanzon na maging congresswoman pagkatapos ng proklamasyon ng mga mananalong party-list sa halalan.

Agaw pansin sa media ang pagiging masaya ni Guanzon kamakailan habang garantisado nang pasok sa 19th Congress ang party-list na kanyang aktibong  kinampanya.

Ang P3PWD na kinampanya ni Guanzon ay pang 24 batay sa pinakahuling update ng COMELEC sa canvassing.

Present kamakailan si Guanzon sa isang meeting na inorganisa para sa mga incoming na mga mambabatas sa mababang kapulungan ng Kongreso.

Pero ayon kay acting COMELEC Spokesperson Atty. Rex Laudianco hindi maaaring palitan lang agad ang set of nominees kung wala namang sapat na dahilan.

Dagdag pa niya, iimbestigahan  ito ng COMELEC bago maglabas ng desisyon patungkol sa pagpapalit ng mga party-list nominee.

“‘Yong incapacity kasi is either the person is really disqualified or incapacitated to the point that they can no longer perform their functions. If they are indeed able to comply with the requirement of the law,” ayon kay Atty. Rex Laudianco.

Ang pagtatanggal at substitution sa party-list ay hindi na bago. Dumaan din ng ganitong kontrobersiya ang Duterte Youth noong 2019.

Isang buwan matapos ang midterm polls ng nasabing taon ay nag-withdraw ang 5 nominees ng Duterte Youth upang mag-substitute bilang first nominee si Ronald Cardema.

Ang nasabing hakbang ni Cardema ay umani ng batikos mula kay Guanzon noong siya ay naglilingkod bilang COMELEC commissioner.

More in National News

Latest News

To Top