Connect with us

Plano ni outgoing SP Tito Sotto pagkatapos ng termino, inilahad kay BBM

Inihayag ni outgoing Senate President Tito Sotto III na nagkaroon sila ng pagkakataon na magkita at magkausap ni incoming President Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

National News

Plano ni outgoing SP Tito Sotto pagkatapos ng termino, inilahad kay BBM

Inihayag ni outgoing Senate President Tito Sotto III na nagkaroon sila ng pagkakataon na magkita at magkausap ni incoming President Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. noong May 28 pagkatapos ng proklamasyon nito.

Dito, aniya ay naitanong ng President-elect kung anong plano niya pagkatapos ng kaniyang termino.

“President-elect Bongbong Marcos when we met last 28th of May, bale ano iyon the first Saturday after his proclamation. He was asking me about my plans were and what I was thinking of, ano ang gusto mong gawin that was his question. As I said sabi ko magrelax muna sabi ko and then he was asking me if I would want to come back to government, want to come back to Senate, I said depende kung kailangan ninyo ng tulong, sabi ko, kung pakikinabangan ako sa tulong, depende sabi ko. Nothing concrete,” ani Sotto.

Sinabi din nito na nailahad niya sa incoming president ang problema sa ilang mga ahensya ng gobyerno gaya ng Bureau of Customs (BOC) at Department of Agriculture (DA) base sa findings ng kanilang ginawang imbestigasyon maging ang issue sa illegal drugs.

Pero aniya mas mabuti na si Marcos Jr. na ang magsabi kung ano ang napag-usapan nila pagdating sa mga isyu ng gobyerno.

Sinabi rin nito na dahil matagal naman silang magkaibigan ni Marcos kaya marami silang napagkwentuhan.

“The usual, kasi matagal naman kaming magkaibigan, and we both served in Congress. 6 years kaming nagsama, and we are family friends as far as the members of the family are concerned. So, maraming kwento, pero kwentuhan lang. Merong mga national government issues na as I said, I’d rather that he disclose what we discussed,” dagdag pa ng outgoing Senate President.

Sinabi rin ni Sotto, na ang muling pagtatayo ng recording studio ang isa sa mga maaari niyang pagkakaabalahan pagkatapos ng kaniyang termino.

Matatandaan na bago naging pulitiko si Sotto ay isa itong music producer at song writer.

“This gives me the chance to re-establish my recording studio, for one, and then I will beef it up into a top recording studio again just like before when I had (unclear) studios. This time I’ll make sure that it will be the best in Asia like the one I had before kaya lang mas moderno na ngayon, mas hi-tech na eh. So, ‘yun isa. Then I could probably concentrate on the corporation that I am a member of, isa ‘yon sa puwedeng asikasuhin na rin,” paglalahad pa ni Sotto.

More in National News

Latest News

To Top