Connect with us

Plano ni VP Sara sa 2028 elections, sa 2026 malalaman

Plano ni VP Sara sa 2028 elections, sa 2026 malalaman

National News

Plano ni VP Sara sa 2028 elections, sa 2026 malalaman

Hindi ‘magkaibigan’ at nagkakilala lang sila ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong 2022 national elections.

Ito ang rebelasyon ni Vice President Sara Duterte kamakailan nang siya ay tanungin kung nag-uusap pa ba sila ni BBM sa gitna ng mga kasalukuyang nangyayari sa politika.

Ani VP Sara, “Bago pa man kami naging running mates, hindi kami nag-uusap. Nagkausap lang kami during the campaign at dahil sa trabaho noon but ngayon, hindi kami nagkakausap. Ang kaibigan ko talaga ay si Senador Imee Marcos.”

Dagdag pa ni VP Sara, hindi na sila nag-uusap ni Marcos Jr. simula noong magbitiw siya bilang kalihim ng Department of Education (DepEd).

Nang matanong naman kung nagsisisi siya sa na maging kabahagi ng UniTeam, sinabi ng pangalawang pangulo na, “medyo mahaba kasi iyan, eh. It needs a sit down.”

Matatandaan sa selebrasyon ng 39th Anniversary of the Feast of the Passover ng the Kingom of Jesus Christ (KOJC) sa Davao City, humingi ng tawad ang bise sa mga taga-KOJC dahil sa paghingi niya ng suporta para kay Marcos Jr.

Kaugnay nito, ‘never again’ ang sagot ni VP Sara sa tanong kung makikipag-tandem pa siya muli sa mga Marcos.

Sa papalapit naman na 2025 midterm elections, hindi tatakbo ng anumang posisyon si VP Sara ngunit sa magiging plano nya sa 2028 national elections, aniya, “Magsasabi ako kung tatakbo ako sa fourth quarter ng 2026.”

More in National News

Latest News

To Top