Connect with us

Planong pagpapabura sa mga tattoo ng mga uniformed at non-uniformed personnel, urong-sulong pa – PNP PIO

Planong pagpapabura sa mga tattoo ng mga uniformed at non-uniformed personnel, urong-sulong pa – PNP PIO

National News

Planong pagpapabura sa mga tattoo ng mga uniformed at non-uniformed personnel, urong-sulong pa – PNP PIO

Hindi pa maipatutupad sa ngayon ang utos na burahin ang mga tattoo ng mga pulis sa loob ng organisasyon.

Pero para sa mga baguhan palang sa serbisyo o ‘yung mga papasok palang, ay talagang bawal ang pagkakaroon ng tattoo sa katawan.

Ito ang tinuran ng tagapagsalita ng Philippine National Police (PNP) na si Police Colonel Jean Fajardo sa panayam ng media sa Kampo Krame.

Ayon sa opisyal, kasabay ng pag-aaral ay rerebisahin nila ang Memorandum Circular 2024-023 na nagsasaad na dapat ipabura ang mga tattoo ng mga uniformed at non-uniformed personnel.

Nakarating kasi sa kanilang tanggapan ang ilang reklamo na posibleng makaapekto sa kalusugan ng ilang pulis ang mga proseso ng pagbubura ng kanilang mga tattoo na posibleng maging problema ng mga pulis.

Bukod pa kasi sa health risk, sariling gastos din pala ng mga pulis ang prosesong ito.

Una nang naging palaisipan sa ibang miyembro ng PNP ang nasabing kautusan lalo na sa mga pulis na bahagi ng kanilang kultura ang paglalagay ng tattoo sa katawan.

Aminado naman ang PNP na isa rin ito sa kanilang kinukonsidera ngunit anila, mahigpit rin ang kanilang regulasyon para sa mga papasok sa akademiya at sa kanilang organisasyon na maging huwaran sila sa publiko mula sa pananamit at personalidad.

More in National News

Latest News

To Top