Connect with us

PLtGen. Danao, nagpasalamat sa suporta ng PNP sa kanyang panunungkulan

Pagiging matapang ng PNP laban sa mga kalaban ng estado, iginiit ng dating OIC PNP PLtGen. Danao

National News

PLtGen. Danao, nagpasalamat sa suporta ng PNP sa kanyang panunungkulan

Pinasalamatan ni PLtGen. Vicente Danao Jr. ang buong hanay ng Philippine National Police (PNP) sa suportang ipinagkaloob ng mga ito sa kanyang 3 buwang pag-upo bilang officer in charge ng PNP.

Aniya, malaking bahagi ang pakikiisa ng mga kawani ng organisasyon sa nagpapatuloy na kaayusan sa bansa.

“I would like to express my deepest gratitude to everyone who helped and worked with me during my three-month stint as the officer-in-charge of the Philippine National Police. Every one of you became a part of my commitment and dedication to achieve a lasting peace and order in our country,” ani Danao.

Isa aniya sa mga maipagmamalaki ng kanyang maiksing panunungkulan ang pakikipagtulungan ng lahat upang itaguyod ang maayos at payapang National and Local Elections 2022 hanggang sa matagumpay na inagurasyon ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. at nitong katatapos lang na State of the Nation Address ng pangulo, kung saan walang anumang karahasan ang naitala sa mga nabanggit na malalaking aktibidad sa bansa.

“To all the 226,000 PNP uniformed and non-uniformed personnel, thank you very much for being so dedicated that made my job easier to accomplished especially during the successful conduct of the National and local Elections, the inauguration of the newly elected President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. as well as his first State of the Nation Address,” giit pa ni PLtGen. Danao.

Nakita rin ng heneral ang dedikasyon ng lahat na hindi nagpatinag at matiyagang nagbantay, umulan man o umaraw habang tinutupad nito ang kanilang mga sinumpaang tungkulin.

Kasabay nito ang paalala at pakiusap sa mahigit 200,000 kasapi ng organisasyon, na ibigay ang buong suporta nito sa bagong talagang PNP chief na si Police General Rodolfo Azurin Jr.

Naniniwala si Danao na higit pang magiging epektibo ang buong pwersa ng PNP sa pamamagitan ng mahigpit na pagtupad sa kanilnag mga sinumpaang tungkulin.

“May I now urge you to continue doing our best in providing genuine service and support for all the upcoming plans and programs of our newly installed chief, PNP, Police General Rodolfo Azurin Jr. Let us all support him as we carry out the missions and functions that will greatly contribute to our vision of becoming a highly capable, effective, and credible police force,” dagdag pa ni Danao.

Batay sa record, si General Azurin ay miyembro ng Philippine Military Academy Makatao class of 1989.

Bago naging hepe ng ahensya, itinalaga siya bilang PNP Area Commander for Northern Luzon, kung saan sakop nito ang Ilocos-Pangasinan Region, Cagayan Valley Region, Central Luzon at ang Cordillera Region.

Sa kanyang pagbabalik sa Kampo Krame, matatandaang naging bahagi rin siya sa mga mahahalagang posisyon ng PNP gaya ng PNP Directorial Staff as PNP Director for Comptrollership (DC) and Director for Information and Communication Technology Management (DICTM) at marami pang iba.

 

More in National News

Latest News

To Top