Connect with us

PNP, 100% nang handa sa inagurasyon ng President-elect BBM

100% nang handa ang Philippine National Police (PNP) para sa inagurasyon ni President-elect Ferdinand 'Bongbong' Marcos Jr. sa National Museum of the Philippines

National News

PNP, 100% nang handa sa inagurasyon ng President-elect BBM

100% nang handa ang Philippine National Police (PNP) para sa inagurasyon ni President-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. sa National Museum of the Philippines na gaganapin sa ika-30 ng Hunyo.

Ito ang inihayag ni PNP Spokesperson Pcol. Jean Fajardo.

Bukod pa rito, wala rin silang natatanggap na anumang banta sa seguridad sa inagurasyon ni PBBM.

Nagpapatuloy din ang pakikipag-ugnayan ng PNP sa lokal na pamahalaan ng Maynila at Manila Police District.

Una nang inihayag ng PNP na aabot sa 15,000 personnel ang ipakakalat ng ahensya sa National Museum at sa iba’t-ibang checkpoints ng Metro Manila para sa seguridad ng inagurasyon ni PBMM.

More in National News

Latest News

To Top