Connect with us

PNP, binuksan ang quarantine area para sa mga pulis na pui at pum sa COVID-19

hindi kukunin bilang contract tracers

National News

PNP, binuksan ang quarantine area para sa mga pulis na pui at pum sa COVID-19

Binuksan ng Philippine National Police (PNP) ang quarantine area para sa mga pulis na person under investigation (PUI) at person under monitoring (PUM) dahil sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay PNP Spokesperson Police Brigadier General Bernard Banac, ang Kiangan Billeting Center na matatagpuan sa loob ng Camp Crame ay may kabuuang 43 kwarto.

Libre anya ang board and lodging sa pasilidad gayundin ang pagkain at wifi.

Binuksan ang pasilidad matapos umabot sa 145 PNP personnel ang PUI habang 1,416 PNP personnel ang PUM.

Sa ngayon, umaabot na sa 7 pulis ang nagpositibo sa COVID-19 kaya patuloy na pinaalalahanan ng PNP ang kanilang mga tauhan na sundin ang health protocols para makaiwas sa sakit.

More in National News

Latest News

To Top