National News
PNP Chief Albayalde, dinepensahan si NCRPO Chief Eleazar matapos uminit ang ulo sa tiwaling pulis
Dinepensahan din ni PNP Chief Police General Oscar Albayalde si NCRPO Chief Major General Guillermo Eleazar matapos uminit ang ulo nang makaharap nito ang Erring Cop ng Eastern Police District (EPD).
Sinabi ni Albayalde na minsan ay hindi talaga maiiwasan na mawalan ng kontrol sa sarili dahil sa sobrang galit tulad aniya ng mga magulang na minsan ay napapalo ang kanilang mga anak sa bahay.
Sa kabila aniya kasi ng paulit-ulit na direktiba sa mga kapulisan na tumigil na sa mga illigal na aktibidad ay patuloy pa rin itong ginagawa.
Sinabi ni Albayalde na ginagawa ng pulisya ang lahat para makamit ang pagbabago at maipakita ang kanilang magandang imahe sa publiko.
Una nang sinabi ni Duterte na suportado nito ang ginawang pagtrato ni Eleazar sa pulis na si Police Corporal Marlo Siblao Quibete na naaresto dahil sa pangingikil.
Humingi naman si Eleazar ng paumanhin sa kanyang naging aksyon pero iginiit nito na nararapat lamang ito sa tiwaling pulis.
DZARNews
