Connect with us

PNP chief, biyaheng France para dumalo sa INTERPOL

PNP chief, biyaheng France para dumalo sa INTERPOL

National News

PNP chief, biyaheng France para dumalo sa INTERPOL

Nakatakdang bumiyahe patungong France si PNP Chief Police General Rodolfo Azurin Jr. para dumalo sa pagpupulong sa International Criminal Police Organization (INTERPOL).

Ayon kay Azurin, tatalakayin sa nasabing pagpupulong ang mga napag-usapan sa 90th INTERPOL General Assemby sa India noong nakaraang buwan.

Kabilang dito ang financial crime, anti-corruption, cybercrime, crimes against children, DNA database ng missing persons, at iba pang usapin.

Makakasama si Azurin sa France ang mga hepe ng Directorate for Intelligence, Directorate for Investigation and Detective Management, Directorate for Operations, Directorate for Police Community Relations at Directorate for Information Communication Technology ng PNP.

Inaasahang magbabalik sa bansa ang mga opisyal ng PNP sa Disyembre.

More in National News

Latest News

To Top