National News
PNP Chief Gambao, muling nilinaw na hindi magpapatupad ng ‘No Face Mask, No Entry’ sa lahat ng tanggapan ng pulisya
Muling nilinaw ni Philippine National Police Chief Archie Francisco Gamboa na hindi ito magpapatupad ng ‘No Face Mask, No Entry’ policy sa lahat ng himpilan ng pulisya sa kabila ng banta ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
Ani Gamboa, ipapatupad lang ng mga himpilan ng PNP ang mga usual precautionary measures kabilang na ang paglagay ng hand sanitizers sa entrance nito.
Ginawa naman ni Gamboa ang paglilinaw matapos na nagpatupad ang anti-kidnapping group ng PNP noong nakaraang buwan ng ‘No Face Mask, No Entry’ policy sa tanggapan nito sa loob ng Kampo Krame.
Ang nasabing hakbang ay ipinatupad alinsunod sa pagbisita ng mga kababayan sa mga nakaditineng Chinese nationals na nanggaling pa sa bansa nila na posibleng carrier ng COVID-19.
