Connect with us

PNP Chief Gamboa, balik trabaho na

PNP Chief Gamboa, muling sumailalim sa self-quarantine

National News

PNP Chief Gamboa, balik trabaho na

Balik-trabaho na si Philippine National Police Chief General Archie Gamboa ngayong araw.

Pinangunahan ni Gamboa ang flag-raising ceremony sa Camp Crame sa Quezon City kaninang umaga at sa kanyang talumpati nagpasalamat ang PNP Chief sa lahat na inalay na mga dasal para sa kanyang recovery.

Magugunitang bumagsak ang sinakyang chopper ni Gamboa kasama ang ilang key officials sa PNP noong March 5 sa San Pedro, Laguna.

Ani Gamboa, patuloy namang inaasahan ang paggaling ng dalawang PNP officials na sina PNP Maj. Gen. Jose Maria Ramos, PNP Director for Comptrollership at Maj. Gen. Mariel Magaway, PNP Director for Intelligence na ngayon ay nananatili pa rin sa intensive care unit (ICU).

Sinabi naman ni Gamboa na hindi sinadya at aksidente ang nangyaring pagbagsak ng sinasakyan nilang chopper.

Continue Reading
You may also like...

More in National News

Latest News

To Top