COVID-19 UPDATES
PNP Chief Gamboa, tiniyak na handa ang kapulisan sa pagpapalawig ng ECQ
Handa ang Philippine National Police (PNP) kung sakaling palawigin ang enhanced community quarantine sa buong Luzon ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa isang pahayag ni PNP Chief Police General Archie Gamboa, nilikha nila ang Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) Operations Task Force para masiguro ang bilang ng manpower requirements kung sakaling tumagal pa ang ECQ.
Sa press briefing na ginawa ni Pangulong Duterte kagabi, nilinaw nito na posible niyang palawigin hanggang April 30 ang umiiral na ECQ bilang preventive measure laban COVID-19.
Magugunita na nauna ng dineklara ng pangulo na hanggang April 12 lang ang ECQ sa buong Luzon.