National News
PNP, handa nang lumahok sa Balikatan exercise ngayong taon
Kabilang ang contingent ng Philippine National Police (PNP) sa tinaguriang pinakamalaking Balikatan exercises ngayong taon.
Sinabi ni PNP Special Action Force (SAF) Director PM/Gen Bernard Banac, nasa 156 na SAF Troopers ang lalahok sa 39th Balikatan o bilateral training exercises sa pagitan ng Pilipinas at Amerika simula ngayong Abril 22 – Mayo 10.
Ayon sa PNP, nakahanda na ang kanilang grupo para ipakita ang kanilang husay at galing partikular sa pagtatanggol sa teritoryo ng bansa mula sa sea, air, land, command control at cybersecurity.
Una nang nagpakita ng galing ang SAF troopers ng bansa sa ginawa nitong Basic Airborne Course Class 57-2024 sa Fort Sto. Domingo, Sta Rosa, Laguna noong Abril 11, ilang araw bago ang pormal na pagsisimula ng Balikatan 2024.
Samantala, sa unang pagkakataon lalahok din ang Philippine Coast Guard (PCG) sa isasagawang group sail sa pagitan ng Pilipinas, Amerika, Australia at France.
