Connect with us

PNP, hindi basta-bastang maniniwala sa mga quarantine pass

PNP, hindi basta-bastang maniniwala sa mga quarantine pass

COVID-19 UPDATES

PNP, hindi basta-bastang maniniwala sa mga quarantine pass

Binigyang diin ng Philippine National Police (PNP) na hindi kasiguraduhan ang pagkakaroon ng quarantine pass para maglabas-pasok sa bahay at mga control points ang publiko.

Ito ang nilinaw ni PNP Lt. Gen. at Joint Task Force COVID-19 Shield Commander Guillermo Eleazar sa isang panayam ng SMNI news.

 “Actually yun pong quarantine pass is not really our basis. Meron po kasi talaga kaming listahan ng tinatawag naming APOR, itong Authorized Persons Outside of Residence at base sa akin na ikaw ay APOR, sapat na yung I.D. mo para ikaw ay masabing ganun pero kung may quarantine pass ka, pero ikaw naman ay hindi APOR o authorized, ay hindi po namin kayo padadaanin dito sa mga control checkpoints na sinasabi natin.”

Babatay ang PNP sa listahan nila ng mga totoong authorized persons at hindi basta-basta lang maniniwala sa mga quarantine pass na pinapakita.

Kabilang sa mga authorized persons ang mga representante ng bawat pamilya sa pagkuha ng ayuda o ang mga naatasang bumili ng essential goods.

More in COVID-19 UPDATES

Latest News

To Top