Connect with us

PNP-HPG, nagsagawa ng surpresang inspeksyon sa EDSA

Martial law, ipatutupad lamang kung may kaso ng rebelyon - IATF

Metro News

PNP-HPG, nagsagawa ng surpresang inspeksyon sa EDSA

Surpresang nagsagawa ng inspeksyon ang Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG) sa mga motoristang dumaraan sa EDSA.

Ito ay matapos muling umiral ang Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) sa Metro Manila.

Pinara ng mga tauhan ng HPG ang ilang sasakyan kung saan sinuri ang dalang ID ng motorista at dahilan ng pagbiyahe nila.

Ayon kay HPG NCR chief Police Colonel Wilson Doromal, mahigpit silang inatasan na bantayan ang mga kalsada.

Tinitiyak din ng HPG na walang taxi, UV Express at iba pang pampublikong sasakyan ang bumibiyahe habang umiiral ang MECQ.

More in Metro News

Latest News

To Top