Connect with us

PNP-HPG, sasampahan ng kaso ang nagpakalat ng video sa isang tauhan nito na sangkot sa pangongotong

PNP-HPG, sasampahan ng kaso ang nagpakalat ng video sa isang tauhan nito na sangkot sa pangongotong

National News

PNP-HPG, sasampahan ng kaso ang nagpakalat ng video sa isang tauhan nito na sangkot sa pangongotong

Agad na nakipag-ugnayan ang Philippine National Police – Highway Patrol Group (PNP-HPG) sa Anti-Cybercrime Group (ACG) para sa pagsasampa ng kaukulang reklamo kaugnay sa kumalat na lumang video laban sa isang tauhan nito.

Makikita sa video na inaresto ang isang personnel ng PNP-HPG dahil sa pagkakasangkot sa pangongotong.

Pero paliwanag ni PNP-HPG Spokesperson PLt. Nadame Malang, 2018 pa nangyari ang paghuli sa pulis na ito sa Pasay City.

Hinimok rin ni Malang ang publiko na maging mapanuri sa mga balita at nakikitang impormasyon lalo na sa social media.

More in National News

Latest News

To Top