Connect with us

PNP IAS, iniimbestigahan na ang pagkakapatay ng isang pulis sa menor de edad sa Rizal

PNP IAS, iniimbestigahan na ang pagkakapatay ng isang pulis sa menor de edad sa Rizal

Regional

PNP IAS, iniimbestigahan na ang pagkakapatay ng isang pulis sa menor de edad sa Rizal

Gumugulong na ang motu-proprio investigation ng Philippine National Police (PNP) Internal Affairs Service (IAS) sa pagkakapatay ng isang pulis sa 15 taong gulang na si John Francis Ompad sa Rodriguez, Rizal.

Sinabi ni PNP IAS Inspector General Atty. Alfegar Triambulo na inatasan na ang Rodriguez Police na imbestigahan ang kinasangkutang krimen ni Police Corporal Arnulfo Sabillo.

Ayon kay Triambulo, posibleng magharap si Sabillo ng kasong administratibo na grave misconduct at conduct unbecoming of a police officer.

Inaasahang tatagal ng 10 araw ang fact-finding investigation at pre-charge investigation upang makakalap ng mga kinakailangang ebidensya at affidavit ng mga pulis.

Matapos nito, magkakaroon na ng summary hearing ang IAS na tatagal ng 20 araw.

Continue Reading

More in Regional

Latest News

To Top