Connect with us

PNP, itinangging may torture sa ilang testigo kaugnay sa Degamo murder

PNP, itinangging may torture sa ilang testigo kaugnay sa Degamo murder

National News

PNP, itinangging may torture sa ilang testigo kaugnay sa Degamo murder

Itinanggi ng Philippine National Police (PNP) ang alegasyon na nagkaroon ng torture sa ilang testigo kaugnay sa Degamo murder.

Ayon kay PNP Spokesperson PBGen. Redrico Maranan, mataas ang pagpapahalaga ng kanilang organisasyon sa pagkilala sa karapatang pantao at hindi ito gawain ng PNP.

Pero sakali man ani Maranan na mapatotohanan ang naturang alegasyon, may batas na maaaring kaharapin ang isang opisyal o miyembro ng Pambansang Pulisya na masasangkot sa nasabing insidente.

Sa ngayon, wala pang reklamo na natatanggap ang PNP kaugnay sa ipinupukol na ito laban sa kanilang mga tauhan.

Nananatili parin namang buo ang tiwala ng PNP sa Special Investigation Task Group (SITG) Degamo na nanguna sa imbestigasyon na ginawa ng mga ito ng mahusay ang kanilang trabaho.

Matatandaang mula sa suspek na si Jhudiel Rivero o Osmundo Rivero, nadagdagan pa nang 3 suspek na sina Rogelio Antipolo, Rommel Pattaguan at Dahniel Lora ang nagsipagbaliktad ng kanilang testimonya.

Sa kanilang mga naunang salaysay, itinuro nila si Teves at Marvin Miranda na nagplano at nag-utos para patayin si Negros Oriental Governor Roel Degamo dahil sa matinding pananakot sa kanila ng mga awtoridad.

More in National News

Latest News

To Top