National News
PNP, kinamumuhian na dahil kay Marbil ─ ex-ELCAC official
Noong nakaraang administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte mahigpit ang kanyang bilin sa Pambansang Pulisya na gawin ang trabaho at ibigay sa taumbayan ang isang ligtas, maayos at payapang bansa.
Ang pangako noon ni dating Pangulong Duterte sa mga Pilipino na ligtas na makapaglakad sa gabi ay natupad at naramdaman ng bawat mamamayan dahil sa kooperasyon at serbisyo ng kapulisan.
Dahil dito, bumalik ang tiwala at respeto ng taumbayan sa kapulisan.
Ngunit sa pagpasok ng Marcos administration ay biglang nagbago ang Philippine National Police (PNP) sa pamumuno ni Romel Marbil, ito’y matapos ang ginawang karumaldumal na pagsalakay ng naka-full battle gear na mga PNP-SAF at PNP-CIDG sa mga religious compound ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC).
Ang nasabing iligal na pag-atake ay nasaksihan ng milyun-milyong Pilipino.
Dahil sa ginawang pang-aabuso at pambabastos ng PNP sa mga KOJC members, maraming Pilipino ang nagalit sa kanila.
Ngunit imbes na itama ang kanilang mali hindi pa rin nagising sa katotohanan ang kapulisan bagkus dinagdagan pa nila ang kanilang patong-patong na kasalanan sa ilalim pa rin ng liderato ni Romel Marbil.
Sa pagkakataon na ito, tinarget naman nila sa kanilang pang-aabuso ang pangalawa sa pinakamataas na lider ng bansa walang iba kundi si Vice President Sara Duterte.
Binawasan kasi ni Marbil ang security ng bise presidente at tinanggal ang kanyang mga matatapat at matagal ng security sa kanyang pamilya bagay na pinalagan ng ilan sa ating mga kababayan dahil maaaring malagay sa panganib ang buhay ng pangalawang pangulo.
Para sa dating kadre at intelligence officer ng CPP-NPA-NDF na sa Jeffrey “Ka-Eric” Celiz, hindi ginagampanan ni Marbil ang kanyang trabaho sa PNP dahil nagagamit na ito sa politika.
Ani Ka Eric, “Marbil is not proting the highest professional standard for the Philippine National Police as a professional law enforcement organization. Marbil is patronage politics transactional politics like an armed goons na hindi dapat ginagawa sa PNP.”
Para sa kanya, naaawa siya sa mga matitinong pulis na nadadamay sa kabulastugan na ginagawa ni Marbil.
“Kawawa ang matutuwid at matitino na mga opisyal ng PNP na nadadamay sa unprofessionalism unethical conduct na ginagawa ng Chief PNP na ito,” sabi ni Ka Eric.
Para naman sa dating tagapagsalita ng NTF-ELCAC na si Dr. Lorraine Badoy, si Marbil ang dahilan kung bakit kinamumuhian na ngayon ng mga Pilipino ang PNP.
Kaugnay nito sinabi ng isang geopolitcal analyst na si Herman “Ka Mentong” Laurel na ang pagbaba ng trust ratings ng mga pulis ay bunga ng liderato ni Bongbong Marcos Jr.
“It’s all part of the incompitence ng administrasyon ni Bongbong Marcos at ‘yong mga prayoridad na hindi po natin maintindihan, napakalungkot po na this is happening,” ani Ka Mentong.
Walang hustisya naman kung ituring ng dating Presidential Consultant Jose Alejandrino ang ginagawa ngayon ng administrasyon ni Bongbong Marcos.
Aniya, wala nang tiwala ang taumbayan sa gobyerno dahil sa pinag-gagawa nitong pang-aabuso sa kapangyarihan.
Aniya, “There is so much in justice being done by the government that is why the trust rating of Bongbong Marcos has fallen and will continue to fall because they no longer believe in this government.”
