Connect with us

PNP, limitado pa rin ang impormasyon kaugnay sa nahuling shabu sa Batangas

PNP, limitado pa rin ang impormasyon kaugnay sa nahuling shabu sa Batangas

Metro News

PNP, limitado pa rin ang impormasyon kaugnay sa nahuling shabu sa Batangas

2 linggo matapos ang pagkakasabat sa mahigit 1 toneladang shabu sa barangay Alitagtag, Batangas, nananatili pa ring tipid ang mga awtoridad sa totoong pinagmulan ng naturang droga.

Sa huling panayam ng media sa Kampo Krame kay Philippine National Police (PNP) PIO Chief Police Colonel Jean Fajardo, sinabi nitong umuusad naman ang kanilang imbestigasyon pero hindi pa rin sila makapagpalabas ng anumang datos ukol rito.

Sa katunayan, mayroon na silang hawak na pagkakakilanlan ng 2 persons of interest at ilang sasakyan na posibleng may kaugnayan sa nasabing malaking droga.

“Sa ngayon ay wala pa pong ibinigay na update sa atin kung na-establish na po ba ‘yung ibang mga sasakyan na subject po ng ating investigation. But, according to General Lucas earlier they are now in close coordination sa prosecutor po ng DOJ po,” ayon kay Chief, PNP-PIO, Col. Jean Fajardo.

Pero pagtitiyak ng PNP, tuloy tuloy pa rin ang kanilang imbestigasyon para matumbok kung sino-sino ang nasa likod sa pagkakasabat ng mahigit na 1 toneladang droga na ito.

Kaugnay rito, bumuo na ng task force ang Department of Justice (DOJ) para tulungan ang PNP Calabarzon sa imbestigasyon at case build up.

Sa ngayon, hindi na lamang sa PNP at DOJ gumugulong ang kaso dahil pati ang Senado ay nagsagawa na rin ng pagdinig ukol rito.

More in Metro News

Latest News

To Top