National News
PNP, magpapakalat ng 163K na mga pulis ngayong eleksyon
Magpapakalat ang Philippine National Police (PNP) ng 163K pulis sa buong bansa para sa midterm elections sa May 12, 2025.
Mayroon ding karagdagang 38K personnel mula sa ibang ahensya ng pamahalaan ang ide-deploy upang tumulong sa mga operasyon para sa seguridad, trapiko, at emergency response sa buong bansa.
Sa May 9 naman ay pormal nang magsisimula ang operasyon ng Kontra-Bigay.
Isa itong kampanya laban sa pamimili ng boto at iba pang paglabag na may kaugnayan sa eleksyon.
