Connect with us

PNP, magtatalaga ng karagdagang police personnel sa mga public markets

PNP, magtatalaga ng karagdagang police personnel sa mga public markets

COVID-19 UPDATES

PNP, magtatalaga ng karagdagang police personnel sa mga public markets

Magtatalaga ng karagdagang law enforcers ang Philippine National Police (PNP) sa mga public markets upang mapanatili ang social distancing laban sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay PNP Deputy Chief for Operations Police Lieutenant General Guillermo Eleazar, itatalaga ang mga local police sa buong bansa para pangunahan ang pagbibigay limitasyon sa mga taong papasok sa public markets.

Binigyang din ng direktiba ang mga barangay officials na tumulong sa pag-implementa nito.

Ang nasabing hakbang ay alinsunod na rin sa mga larawang lumalaganap sa social media kung saan marami ang mga taong nakikita sa public markets at hindi napapanatili ang social distancing laban sa COVID-19.

More in COVID-19 UPDATES

Latest News

To Top