Connect with us

PNP, may asim na – Sen. Dela Rosa   

PNP, may asim na – Sen. Dela Rosa   

National News

PNP, may asim na – Sen. Dela Rosa   

May asim na!

Ito na ngayon ang kambiyo ni Senator Bato Dela Rosa sa ipinapakitang performance ngayon ng Philippine National Police (PNP).

Batay sa datos ng PNP ngayon, halos sunud-sunod ang accomplishment ng pulisya dahil sa pagkakahuli ng mga suspek mula sa iba’t ibang krimen.

Wala na rin siyang nababalitaan na naitalang kaso ng kidnapping nitong nakaraang lingo.

Ayon sa senador, magandang senyales ito na ginagawa ng PNP ang lahat ng makakaya nito na tuluyang walisin ang kriminalidad sa bansa.

Matatandaang, tinawag noon ni Senator Bato Dela Rosa ang PNP na walang asim at walang aray matapos ang sunud-sunod na kidnapping incident sa bansa.

Bagama’t sa huli ay nagkasundo naman sina Senator Bato at PNP Chief Police General Rodolfo Azurin Jr. kaugnay sa direksiyon ng kampanya ng pulisya kontra kriminalidad

Kasabay rin nito ang paliwanag ng PNP na maninindigan sila sa Rule of Law.

More in National News

Latest News

To Top