Connect with us

PNP, may handog na Libreng Sakay sa mga apektado ng strike ng grupong Manibela

PNP, may handog na Libreng Sakay sa mga apektado ng strike ng grupong Manibela

National News

PNP, may handog na Libreng Sakay sa mga apektado ng strike ng grupong Manibela

Sa gitna ng isinasagawang transport strike ng grupong Manibela, naghandog ng Libreng Sakay ang Philippine National Police (PNP) sa mga pasaherong maapektuhan nito partikular na sa Metro Manila.

Ayon kay PNP PIO Chief Police Colonel Jean Fajardo, maaring parahin ng mga apektadong pasahero ang makikita nilang Police Mobiles para maihatid sila sa kanilang destinasyon.

Sa datos ng PNP nasa 600 katao ang nakilahok sa transport strike kung saan mayorya sa mga kasapi nito ay nagtipon sa mismong harapan ng tanggapan nito.

Kinondena naman ng PNP Press Corps ang harassment at pananakit ng mga miyembro ni Manibela President Mar Valbuena sa mamamahayag ng DZRH na si Val Gonzales habang ito ay nagbabalita kaugnay sa aktibidad ng grupo.

Kaugnay nito nagsampa na ng reklamo sa PNP si Gonzales kasabay ng pangako ng Pambansang Pulisya na mananagot ang mga nasa likod ng pananakit sa biktima.

Samantala nagdulot ng bahagyang pagsikip sa daloy ng trapiko sa mga lugar na pinagdarausan ng rally na kinokonsiderang abala ng mga mananakay at pribadong indibidwal.

More in National News

Latest News

To Top