National News
PNP, may nakahanda nang personahe para sa 2019-nCoV
Nakahandang ideploy ng Philippine National Police ang kanilang Chemical, Biological, Radiological, Nuclear, and Explosives o CBRNE team para tumulong sa pamahalaan sa gitna ng banta ng 2019 novel coronavirus (2019-nCoV).
Sa press briefing sa Kampo Crame, inihayag ng PNP Chief Gen. Francisco Gamboa ang kanilang kakayahan sa pag-handle ng ganitong uri ng sitwasyon lalo na ang nakatakdang paglikas ng mga Pilipino sa China dahil sa banta ng nakamamatay na virus.
“The Philippine National Police has made a team of CBRNE trained medical personnel from the PNP Health Service who may be deployed to assist concerned agencies in the repatration of Filipinos based in China and other countries infected by the 2019 nCov ARD who will wish to return to the country subject to mandatory quarantine procedure,” saad ni Gamboa.
Sa kasalukuyan ay may 105 personahe ang PNP na nasanay sa CBRNE mula sa PNP Health Service, Crime Laboratory, at EOD K9 unit na pwedeng magresponde sa panahon ng pangangailangan.
Nagpalabas naman ng kautusan si PNP Chief Gamboa para sa buong hanay ng pulisya sa gitna ng banta ng 2019 nCoV.
“I have directed all Regional and National Support Unit Directors to make available individual face masks for all PNP personnel and provision for hand sanitizers in PNP offices and facilities,” dagdag ng PNP Chief.
Samantala, ipinagutos na rin ngayon ni PNP Chief Gen. Francisco Gamboa sa CIDG at Local PNP units na mahigpit na makipag-ugnayan sa Department of Trade and Industry (DTI) at sa mga lokal na pamahalaan.
Ito ay may kaugnayan sa overpricing sa mga face mask at umano’y hoarding sa mga ito ng mga mapag-abusong negosyante na sinasamantala ang sitwasyon lalo na at may kumpirmado nang 2019- nCoV sa bansa.
Ani Gamboa, “The CIDG and local PNP units are directed to assist DTI and LGUs in monitoring market activities to identify establishments and traders engage in hoarding and profiteering of medical supplies such as face masks and disinfectants that are taken advantage of the situation to create artificial demand and justify a hike in prices.”
Sa gitna naman ng pangamba ng publiko hinggil sa 2019-nCoV, nakiisa naman ang PNP sa panawagan ng Department of Health (DOH) sa publiko na manatiling mahinahon at maging maalam tungkol sa banta ng nakamamatay na virus.
“I would like to echo the call of our health authorities to remain calm and informed amid this global public health emergency and instead focus attention and effort in promoting personal hygiene and strengthening of the immune system through proper nutrition and healthy lifestyle,” apela pa ni Gamboa.