Connect with us

PNP, nagpadala ng dagdag pwersa para magmanman sa KOJC headquarters

Tila namumuro na sa pang-aabuso sa kapangyarihan ang Philippine National Police (PNP).

National News

PNP, nagpadala ng dagdag pwersa para magmanman sa KOJC headquarters

Tila namumuro na sa pang-aabuso sa kapangyarihan ang Philippine National Police (PNP).

Ngayon naman, inutusan ng PNP Highway Patrol Group ang KOJC na tanggalin ang mga nakaparadang sasakyan sa harapan ng pader ng KOJC compound sa Davao City.

Hindi pa nakuntento at tiniketan rin ang mga sasakyan dahil nakakaabala raw ito sa trapiko sa kabila ng pagiging maluwag naman ng daloy ng trapiko sa lugar.

Ayon sa KOJC, walang karapatan na paalisin ng PNP ang mga sasakyang ito sa lugar na pag-aari naman ng Kingdom of Jesus Christ.

Ani Atty. Eunice Ambrocio, ang legal counsel, KOJC, “Before kasi ‘yung boundary ng KOJC is mayroong siyang wall, ‘yung may part, mayroon siyang part na naextend because of road widening. So, itong area kung saan yung mga sasakyan ng KOJC is already part of the KOJC property, nasa loob na siya ng boundary. They are now trying to issue us tickets sa mga sasakyan nakapark doon which is and does not even cause any traffic disturbance tapos gusto nila na paalisin talaga ‘yung mga sasakyan kasi ang sabi nila based sa report kaninag umaga na palitan nalang daw ng tents, ano yun it’s within our private property.”

Dahil dito, lumabas nanaman ang pangamba ng mga taga-KOJC na baka may planong sumalakay ulit ang mga pulis at mas mabilis nila itong magagawa kung walang nakaharang sa mga pader ng compound.

Giit ng KOJC minister na si Bro. Carlo Catiil, ngayon lang ito nangyayari sa KOJC, “Biruin niyo binigyan niyo na nga kami ng ticket tapos ipapatanggal niyo pa. Tapos you are intimidating us na ipapatowing ninyo. Ngayon lang po nangayri yan matagal na po kaming gumagamit diyan kami po ang naglilinis at nagmimaintain po diyan. Tumutulong po kami sa traffic flow po diyan. And then bigla bigla nalang eh pag tinananong eh may nag utos lang po, sinong ang utos sa inyo. PNP Region 11? sa Crame po general Marbil? part po ba ito sa utos po ninyo para takutin niyo kami para tanggalin yung mga sasakyan dyan.”

Nitong linggo lang din nang makakuha ng impormasyon ang KOJC legal counsel na may utos diumano sa PNP Highway Patrol Group para mag-operate sa bisinidad ng KOJC central compound ng wala naman daw malinaw na dahilan.

Nang kumpirmahin ito, nakita ng KOJC na may mga naka-poste na ngang yunit ng Highway Patrol Group hindi para magbantay sa trapiko kundi target ang central headquarters ng KOJC.

Saad ni Atty. Dinah Tolentino, legal counsel ng KOJC, “Nakita po namin yung order, there is an order date July 15, 2024, signed by Colonel Patay  at the time he was still the chief here, ang order nakalagay ang operations, targeted talaga ang KOJC compound not the entire stretche of the diversion road but just the KOJC compound and the order was issued July 15 and the operation started July 16, now we were trying to get the copy of the order pero yung tao na yun refused to give us a copy ang sabi humingi nalang daw kami sa Regional Office 11. So General Torre hihingi sana kami ng copy sa inyo, nung order na yun. Na-confirm po na talgang may mga tropa na 24 hrs shifting dito sa area ng central headqurters.”

Para sa KOJC, isang malinaw na panggigipit nanaman ito sa kanila.

“Eh wag niyo kami sinisingle out, punta kayo diyan sa iba’t ibang paaralan, iba’t ibang simbahan, ganyan po ang nangyayari, mas malala pala doon kasi nakakatrapik diyan. Hindi po nagkakatrapik, bakit kami sinisingle out po ninyo? Kasi nga nakatanggap lang kayo ng utos at all cost, you will use all gov’t resources just to pin down KOJC and Pastor Apollo C. Quiboloy. Ganun po kagarapalan, ganun po ‘yung pag apak po ninyo sa aming karapatang pantao,” ano Catiil.

Sa huli, muling iginiit ng mga taga KOJC na hindi sila matatakot sa anumang banta, balak at planong panggigipit ng pamahalaan.

Buo rin ang kanilang paninindigan na wala silang ginagawang masama at malinis ang kanilang konsensiya.

 

More in National News

Latest News

To Top