Connect with us

PNP, nagpaliwanag kasunod ng pagtanggal ng 35 pulis sa DCPO

PNP, nagpaliwanag kasunod ng pagtanggal ng 35 pulis sa DCPO

Regional

PNP, nagpaliwanag kasunod ng pagtanggal ng 35 pulis sa DCPO

Kasunod ng biglaang pagtanggal sa 35 na Philippine National Police (PNP) personnel sa lungsod ng Davao ay nagpaliwanag ngayon ang PNP sa nasabing isyu.

Sabi ni PNP Public Information Office Chief Police Colonel Jean Fajardo, ang ginawa raw’ng pagsibak sa nasabing mga pulis ay para bigyang-daan ang imbestigasyon sa umano’y iregularidad sa pagkamatay ng 7 indibidwal sa ilalim ng isinagawang anti-illegal drugs operation ng Davao LGU noong March 22 hanggang March 26.

Ito naman daw ay batay sa pag-aaral at rekomendasyon ng Regional Internal Affairs Service (RIAS) 11.

“However, in this case ay ‘yung relief nitong 35 PNP personnel including the city director ng Davao City Police Stations as well as ‘yung mga station commanders is based sa recommendation ng RIAS ng 11. Kung matatandaan niyo ay nagkaroon ng motu propio investigation ang Regional IAS ng 11 that arose doon sa 7 deaths na naitala natin mula March 22 to 26 that led the RIAS to conduct its motu propio investigation. So, one of the recommendations na sinabi nila ay for the administrative relief nitong 35 personnel to give way doon sa ongoing investigation,” ayon kay Chief, PNP-PIO, Col. Jean Fajardo.

Giit ng PNP, hindi pa guilty ang mga pulis na pansamantalang inalis sa puwesto dahil maaari pang umapela ang mga ito.

Pwede pa rin daw’ng patunayan ng mga sinibak na pulis na wala silang kasalanan at sinunod lang ang protocol sa ginawang operasyon.

“That being said hindi po ito ibig sabihin na guilty na itong ating 35 PNP personnel. However, this is not the first time na ginagawa ito ng RIAS and even the PNP na kapagka isang pulis natin ay nai-involve sa anumang reported illegal activities, mga infractions ay inaalis muna sila pansamantala doon sa kanilang posisyon para bigyang daan ‘yung ginagawang investigation. Ngayon kung saka-sakali matatapos ‘yung investigation na ginagawa ng RIAS at kung makikita naman na wala silang kasalanan ay magandag opportunity ito sa ating mga kapulisan para makapag present rin sila ng mga ebidensya na maaaring makakapagpatunay na above board ‘yung ginawa nilang operation doon sa sinasabing nagresulta sa pagkakapatay ng suspects at sinasabi naman nila they enjoy the presumption of regularity in the performance of duty,” dagdag pa nito.

Pero para kay Davao City Mayor Baste Duterte, walang man lang kasing paabiso o preliminaries na ginawa ang PNP na may plano pala silang alisin sa puwesto ang mga pulis.

Sabi ng alkalde, dapat ang in-charge lamang sa operasyon ang isailalim sa imbestigasyon at hindi ang buong batalyon.

“May mga ganitong isyu, they usually question the one who is in charge, but not this (huge) amount. Daghan kaayo ang nag-leave dayon. I think, kulang siyag preliminaries,” ayon naman kay Davao City, Mayor Sebastian “Baste” Duterte.

“May mga ganitong isyu, they usually question the one who is incharge, but not this (huge) amount. Marami ang nagleave agad. I think, kulang siya ng preliminaries.”

Dahil dito, personal na umapela si Mayor Baste sa tanggapan ng Department of Interior and Local Government (DILG) at maging kay Pangulong Bongbong Marcos kaugnay sa ginawa ng PNP sa kanilang lungsod.

Umaasa si Mayor Baste na walang kinalaman sa pulitika ang desisyong ito ng PNP.

“There are these provided statements but, I would like to hear comment from DILG, a reason, or even from the President (Bongbong Marcos Jr.) because as I said, ito kasi na isyu, bumalik ito, this happened a month (ago). I declared drugs but never told anyone, never ordered anybody from the police to do anything because it’s a declaration coming from me and I said kung may papatay, ako ‘yun, kung may namatay ako ‘yan. So, still, I do not know but you know, pwede naman we can behave like children and pretend that this is not politically motivated,” dagdag pa ni Mayor Sebastian “Baste” Duterte.

Wala nga raw’ng nakikitang iregularidad sa mga operasyon ng PNP sa lungsod si Mayor Baste dahil matagal na niyang kilala at katuwang sa pagsugpo sa kriminalidad at iligal na droga ang mga sinibak na pulis.

Sa katunayan, malaki ang ibinaba ng crime rate sa lungsod dahil na rin sa mas pinaigting na partisipasyon ng mga kapulisan sa mga komunidad na sakop nito.

Bagay na dapat itong ipaliwanag ng mga kinauukulan.

“I would like to get a comment from DILG and even the president on what they think about this issue because, these are hardworking policemen that they are questioning. They have good track records and they have served the people in Davao since they became a policemen,” ani Duterte.

“Unang una ay nirerespeto natin ‘yung naging pahayag ni Mayor Duterte at naglabas na rin naman ng statement ‘yung regional director ng PRO 11 at unang una ay nagpapasalamat sila sa acknowledgement na sinabi ng ating kagalang galang na mayor na nakikita niya ‘yung efforts ng mga kapulisan. Mababa ‘yung crime sa kanila at ‘yun ay ipinagpapasalamat and in fact doon sa nilabas na statement ni RD ay nirecognize nila ‘yung supporta at assistance ng LGU ng Davao na lagi nilang nakakatuwang ito sa pagmamaintain ng peace and order diyan sa Davao region.”

“However, ang sabi ng ani RD ay kung saka-sakali na magkakaroon ng findings na wala naman silang nilabag na any existing protocol particularly ‘yung police operational procedure natin ay maaari naman silang ibalik doon sa kanilang original assignments and position or to any other position commensurate to their qualifications,” ani Fajardo.

“We just have to wait but like I said it’s an extraordinary move coming from the police by themselves to do this to their own personnel,” saad pa ni Baste Duterte.

Sa huli, bumwelta pa si Mayor Baste sa administrasyon at sinabi na ituon nalang nito ang pansin sa mga naglalakihang usapin at problema ng bansa kaysa tutukan ang Davao City.

“Kung ‘yun ‘yung isyu nila, they’re handling it kaning mga pulis nato nga naghilabut ug mga tawo kay tungod they were defending themselves, inganing operation against people involved in illegal drugs, then siguro tan aw nako it’s not worth the time and resources of the PNP to look into this, because there are a lot of problems in the Philippines. Daghan kay tag problema dire sa Pilipinas nga pwede ninyo i-address and you know that the police or the PNP can focus on,” pahayag pa ni Duterte.

“Kung ‘yun ‘yung isyu nila, they’re handling, itong mga pulis na ito na nananakit ng mga tao because they were defending themselves, itong operation against people involved in illegal drugs, then siguro sa tingin ko it’s not worth the time and resources of the PNP to look into this, because there are a lot of problems in the philippines. Marami tayong problema dito sa Pilipinas na pwede ninyo i-address and you know that the police or the PNP can focus on.”

More in Regional

Latest News

To Top