Connect with us

PNP, nagpaliwanag sa sunud-sunod na balasahan sa kanilang hanay

PNP, nagpaliwanag sa sunud-sunod na balasahan sa kanilang hanay

National News

PNP, nagpaliwanag sa sunud-sunod na balasahan sa kanilang hanay

Normal lamang kung ituring ng Philippine National Police (PNP) ang naging serye ng balasahan sa hanay ng kanilang matataas na opisyal.

Ito ang tinuran ni Philippine National Police (PNP) Public Information Office Chief PCol. Jean Fajardo sa harap ng sunud-sunod na balasahang ipinatupad ni PNP chief, PGen. Rommel Francisco Marbil sa unang buwan ng kaniyang panunungkulan.

Paliwanag ni Fajardo, kaya nagkaroon ng balasahan ay bunsod na rin ng pagreretiro ng ilang mga opisyal at pagakakataon na rin ito para magkaroon ng career move sa hanay ng senior officials ng PNP.

Una nang sinabi ng PNP chief na bibigyan niya ng pagkakataon ang mga pulis na maipamalas ang kanilang husay sa kani-kanilang mga tanggapan o tungkulin.

Kahapon, Mayo 6, isang panibagong lipatan sa puwesto sa senior police officials ang ipinag-utos ni PNP Chief Marbil.

Magpapalit ng puwesto sina PMGen. Robert Morico II at PBGen. Wetrimundo Obinque bilang pinuno ng Directorate for Research and Development (DRD) at Directorate for Intelligence (DI).

More in National News

Latest News

To Top