Connect with us

PNP, naitala ang malaking pagbaba ng crime rate sa bansa sa loob ng 2 araw

PNP, naitala ang malaking pagbaba ng crime rate sa bansa sa loob ng 2 araw

National News

PNP, naitala ang malaking pagbaba ng crime rate sa bansa sa loob ng 2 araw

Naitala ang malaking pagbaba sa bilang ng krimen sa buong bansa sa loob ng dalawang araw mula Setyembre 18-19 ngayong taon.

Batay ito sa ulat ng PNP Crime Research Analysis Center, kung saan bumaba ang index crime sa 34 na kaso nitong Lunes mula sa 83 na kaso noong linggo.

Kabilang sa index crimes ang murder, homicide, physical injury, rape, robbery, theft at carnapping.

Habang bumaba rin ang non-index crime sa 89 na kaso mula sa 721 na kaso.

Pinakamalaking pagbaba ay nakita sa mga lumabag sa anti-gambling law dahil sa pinaigting na kampanya kontra iligal na sugal ng pulisya.

Ayon kay PNP Chief Police General Rodolfo Azurin Jr., dinodoble ng pulisya ang kanilang pagsisikap upang mapanatili ang momentum at matiyak na magiging ligtas ang kapaligiran laban sa mga krimen.

Samantala, kinilala ng International Police Community ang kampanya ng PNP laban sa online sexual abuse at exploitation sa mga bata.

Ito ang inilahad ng Office of the Press Secretary matapos mahuli ang dalawang Pilipinong suspek na dawit sa online child pornography.

Dagdag pa ng OPS, mahalaga ang pagkakaaresto ng naturang mga suspek para mahuli rin ang kanilang mga kasabwat na natuklasang mula pa sa mga bansang Estados Unidos, Germany, Sweden, Norway at Australia.

Batay sa ulat ng PNP, nasa 29 na biktima ang nailigtas ng PNP Women and Children Protection Center habang nasa tatlong suspek ang naaresto mula noong Setyembre 11 – 17 ngayong taon.

 

More in National News

Latest News

To Top