National News
PNP, nakakasa na ang Man Hunt para sa 15-araw na palugit na ibinigay ng Pangulo
MINOMONITOR na ng Philippine National Police (PNP) ang halos dalawang libong inmates na nakalaya dahil sa Good Conduct Time Allowance (GCTA).
Sa panayam ng DZAR Sonshine Radio kay Pnp Chief Spokesperson Brigadier General Bernard Banac, sinabi nito na sa ngayon ay hihintayin na muna nila ang pagsuko ng mga inmates sa loob ng 15 days period na ibinigay ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Banac, ipinag-utos na ni Pnp Chief Police General Oscar Albayalde sa lahat ng Police Station sa buong bansa na tanggapin ang mga boluntaryong susuko na mga Convict sa Heinous Crime.
Sinabi ni Banac na inaasahan nila na may mga boluntaryong susuko sa 15 days grace period at mayroon naman na hindi susuko na kanila aniya magiging target matapos ang ibinigay na palugit.
DZAR1026
