Connect with us

PNP, nakapagtala ng 3 panibagong kaso ng COVID-19 ngayong araw

COVID-19 cases sa PNP, umabot na sa 50

COVID-19 UPDATES

PNP, nakapagtala ng 3 panibagong kaso ng COVID-19 ngayong araw

Nadagdagan pa ang bilang ng Philippine National Police (PNP) personnel na nagpositibo sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa gitna ng patuloy na umiiral na enhanced community quarantine sa buong Luzon.

Ayon sa PNP Health Service, umaabot na sa 25 PNP Personnel ang tinamaan ng nasabing sakit.

Kabilang sa mga bagong naitalang kaso ay ang isang 26 taong gulang na lalaki, isang 28 taong gulang na lalaki at isang 39 taong gulang na lalaki na pawang mga nakatalaga sa CALABARZON.

Nasa 59 PNP Personnel ang probable persons under investigation (PPUI), 217 ang suspected persons under investigation (SPUI) at 1,351 ang persons under monitoring (PUM).

Samantala, tumanggap ang PNP ng medical supplies at basic health commodities mula sa PNP General Hospital.

Tinanggap ni PNP Health Service Director Police Brigadier General Herminio Tadeo Jr. ang mga donasyon na medical supplies na binubuo ng  personal protective equipment (PPEs), N95 at protective masks, alcohols, surgical gloves at isolation gowns.

Pinasalamatan naman ni PNP Chief Police General Archie Francisco Gamboa ang Department of Health (DOH) sa natanggap nilang medical supplies na makakatulog sa mga pulis na frontliners upang makaiwas sa COVID-19.

More in COVID-19 UPDATES

Latest News

To Top