National News
PNP, nakatanggap ng intel report sa balak na panggugulo ng mga grupo sa inagurasyon ni President-Elect Marcos
Nakatanggap ang Philippine National Police (PNP) ng intelligence report na may mga grupong nagbabalak na magsagawa ng kilos-protesta sa inagurasyon ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Hunyo 30.
Ito ang iginiit ni PNP OIC Police Lieutenant General Vicente Danao Jr. matapos ang ginawang pag-iinspeksyon sa National Museum.
Ayon kay PNP OIC Police Lieutenant General Vicente Danao Jr., nasa 7,000 pulis ang kanilang ide-deploy para sa seguridad ni President-elect Marcos at ng mga dadalo sa aktibidad.
Nakahanda na rin aniya ang PNP sa anumang magaganap ng kilos-protesta mula sa iba’t ibang grupo.
Bagama’t pinapayagan ang pagsasagawa ng kilos-protesta, mainam aniya kung malayo ito sa lugar na paggaganapan ng inagurasyon.
