Connect with us

PNP, nakikipag-ugnayan na sa Interpol para maisilbi ang warrant of arrest vs. ex-Cong. Arnie Teves

PNP, nakikipag-ugnayan na sa Interpol para maisilbi ang warrant of arrest vs. ex-Cong. Arnie Teves

National News

PNP, nakikipag-ugnayan na sa Interpol para maisilbi ang warrant of arrest vs. ex-Cong. Arnie Teves

March 4, 2023, araw ng Sabado, nang pasukin ng mga armadong lalake ang bahay ni Negros Oriental Gov. Roel Degamo sa bayan ng Pamplona na nagresulta sa pagkamatay ng gobernador.

Agosto 1, araw ng Martes, nang isinapubliko ng Anti-Terrorism Council (ATC) ang impormasyon na idinideklara nilang terorista si expelled Negros Oriental 3rd District Rep. Arnolfo Teves Jr. at umano’y armadong grupo nito kasama na ang kanyang kapatid na si dating Cong. Pryde Henry Teves.

Kasunod na rin ito sa pagkakasangkot umano nila sa madugong pagpaslang kay Negros Oriental Gov Roel Degamo at iba pang insidente ng pagpatay sa lalawigan.

Sept 6, 2023, araw ng Miyerkules, pina-aaresto na ng korte si expelled Negros Oriental Rep. Teves, Jr. at iba pang akusado sa kaso ng pagpatay kay Governor Roel Degamo matapos na inilabas ng Manila Regional Trial Court (RTC) Branch 51 ang warrant of arrest laban sa dating mambabatas.

Kaugnay nito, sinabi ni Acting PIO Chief PCol. Jean Fajardo na tulong-tulong ngayon ang ibat-ibang ahensya ng pamahalaan upang maisilbi ang warrant of arrests.

“Hindi lang po ang Philippine National Police ang nage-exert po ng effort para mahuli not only Congressman Teves but the other co-accused including po yung ating National Bureau of Investigation ay tulong-tulong din po so yung mga ehensya po ng gibyerno ay tulong-tulong po para masiguro na ma-implement itong warrant of arrest na inisyu by the court po,” ayon kay PNP, Acting PIO Chief, PCol. Jean Fajardo.

Dahil sa nasabing warrant of arrests gumawa na rin aniya ng tracker team ang mga otoridad upang matunton hindi lang si Teves Jr. kundi maging ang iba pang kasamahan nito.

“Sa ngayon ay mga krineate na tayong dedicated tracker teams to run after dito sa kanyang co-accused at nakausap ko kanina ang regional director ng Police Regional Office 7 as well as the director of CIDG they are pursuing certain efforts to locate the whereabouts ng other co-accused,” dagdag pa nito.

Inamin naman ng tagapagsalita ng Philippine National Police (PNP) na malaking hamon aniya para sa kanila kung walang extradition treaty sa bansang kinaroroonan ng dating mambabatas.

Sa ngayon kasi ay nasa labas ng bansa nagtatago si Teves Jr. ngunit nakikipag-ugnayan narin aniya ang PNP sa international police at sa ibat-ibang ahensya ng pamahalaan gaya ng Department of Justice (DOJ) upang maisilbi ang warrant of arrests at maibalik na dito sa bansa si Teves.

“Marami po tayong naririnig kung saan yung lugar na kanyang pinagpupuntahan I think no less than the secretary of justice has mentioned some of the countries like I said earlier we are closely coordinating with the Department of Justice to really pursue this case at hindi lang naman ang Philippine National Police ang gagalaw dito we have to understand, we have to go through the diplomatic channel kung kinakailangan dahil I understand wala po tayong extradition treaties dito sa mga bansa na posibleng kinaruruan ni Congressman Teves,” saad pa ni Fajardo.

Matatandaan na humingi ng asylum si Teves sa bansang Timor Leste ngunit itoy tinanggihan ng nasabing bansa.

More in National News

Latest News

To Top