Connect with us

PNP, nakipag-ugnayan na sa international agencies upang mahuli ang nasa likod ng kumakalat na bomb threat

PNP, nakipag-ugnayan na sa international agencies upang mahuli ang nasa likod ng kumakalat na bomb threat

National News

PNP, nakipag-ugnayan na sa international agencies upang mahuli ang nasa likod ng kumakalat na bomb threat

Kasalukuyan pang nagsasagawa ng imbestigasyon ang Philippine National Police-Explosive Ordinance and Disposal/K9 (PNP-EOD/K9) para malaman ang tunay na pagkakakilanlan at kinaruruunan ng nasa likod ng kumakalat na bomb threat sa ilang ahensiya ng pamahalaan.

Sa panayam kay rPBGen. Albert Magno Director ng PNP-EOD/K9 Group na hindi pa nila alam kung sino at kung ano ang motibo ng nasa likod ng pagpapakalat ng bomb threat dahil email aniya ang gamit ng suspek.

Ayon naman kay PGen. Benjamin Acorda Jr. patuloy pa ang kanilang ginagawang tracing at nakikipag-coordinate na rin aniya ang PNP sa ibang bansa dahil pangalan ng isang dayuhan ang ginagamit nito sa pananakot.

Dagdag pa dito, base sa kanilang inisyal na imbestigasyon na hack umano ang naturang email ngunit tinitignan pa ng mga otoridad kung ito ay lehitimo.

Ginawa ng mga opisyal ang kanilang pahayag kasabay ng turn-over ng ibinigay na EOD robots at ang groundbreaking ceremony para sa bagong headquarters ng PNP-EOD/K9 sa Camp Bagong Diwa Taguig City.

More in National News

Latest News

To Top