National News
PNP, napakalat ng mahigit 40K tauhan ngayong Semana Santa
Nasa 40K ang eksaktong bilang ng mga pulis na ipinakalat ng Philippine National Police (PNP) sa buong bansa ngayong Semana Santa.
Ayon kay PNP spokesperson PBGen. Jean Fajardo, ang nasabing bilang ay magiging katuwang ng publiko para sa maayos na paggunita ng Semana Santa ngayong taon.
Idineploy ang mga ito sa mga pangunahing lugar gaya ng simbahan, mga kalsada, mga business centers, mga parke, at recreational spaces sa iba’t ibang panig ng bansa.
Bukod sa mga nabanggit, nananatili rin ang alerto ng PNP sa mga entry points at checkpoints, kasama na ang pagtatalaga ng foot patrols para sa posibleng mga emergency na mangyari sa naturang mga lokasyon.
