Connect with us

PNP, nilinaw na hindi loyalty check ang pagdalo ni PBBM sa command conference sa Krame

PNP nilinaw na hindi loyalty check ang pagdalo ni PBBM

National News

PNP, nilinaw na hindi loyalty check ang pagdalo ni PBBM sa command conference sa Krame

Kuntento si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.  sa performance ng Philippine National Police partikular na sa paglaban sa krimen at pagtugon sa iba’t-ibang emergency.

Ito ang sinabi ni PNP Chief P/Gen. Benjamin Acorda Jr makaraang pangunahan ng Punong Ehekutibo ang Command Conference sa Camp Crame nitong ika-15 ng Pebrero na unang pagkakataon ngayong taon.

Sinabi  ni Acorda na ang pagdalo ng Pangulo ay hindi maituturing na loyalty check sa halip ay isang regular na kumustahan gaya ng ginawa nito sa Armed Forces of the Philippines noong nakaraang buwan.

Magugunitang binigyan ng direktiba ng Pangulo ang PNP na pag aralan ang paggamit ng iba pang mga communication equipment na angkop sa ibat-ibang sitwasyon.

Dagdag pa ng Heneral partikular na pinatututukan ni PBBM ang pagpapalakas sa kakayahan ng mga pulis sa pagtugon sa Emergency at Disaster Operations gayundin sa Cybersecurity sa pamamagitan ng pagkakaroon ng makabagong kagamitan.

More in National News

Latest News

To Top