Connect with us

PNP OIC LtGen. Danao, ininspeksyon ang National Museum of the Philippines bilang paghahanda sa inagurasyon ni PBBM

PNP OIC LtGen. Danao, ininspeksyon ang National Museum of the Philippines bilang paghahanda sa inagurasyon ni PBBM

National News

PNP OIC LtGen. Danao, ininspeksyon ang National Museum of the Philippines bilang paghahanda sa inagurasyon ni PBBM

Personal na tinungo at ininspeksyon ni Philippine National Police (PNP) Officer in Charge LtGen. Vicente Danao, Jr. ang National Museum of the Philippines, ang lugar kung saan gaganapin ang inagurasyon ni President- elect Bongbong Marcos sa ika-30 ng Hunyo.

Ayon kay LtGen. Danao, handa na ang kanilang security plan para sa seguridad sa aabangang inagurasyon ni PBBM.

Ani Danao, hinihintay nalang nila ang ilagagay na barriers ng DPWH at sa oras matapos ito ay 100% nang handa.

Dagdag pa ng opisyal, nasa 7,000 mga pulis ang idedeploy sa bisinidad upang matiyak ang kaligtasan ng bawat indibidwal.

Pagtitiyak pa nito na handa ang kapulisan sa anumang banta na posibleng mangyari sa araw ng inagurasyon.

Binalaan naman ng PNP OIC ang mga magtatangkang manggulong raliyista sa araw ng inagurasyon.

Giit nito, bagamat karapatan ng bawat Pilipino na ipahayag ang kanilang mga sintiyimento ay dapat pa ring respetuhin ng mga ito ang inagurasyon ni PBBM.

More in National News

Latest News

To Top