Connect with us

PNP OIC LtGen. Danao, sinermonan ang mga suspek na nahulihan ng P81-M halaga ng droga

PNP OIC LtGen. Danao, sinermonan ang mga suspek na nahulihan ng P81-M halaga ng droga

National News

PNP OIC LtGen. Danao, sinermonan ang mga suspek na nahulihan ng P81-M halaga ng droga

Nasakote ng Philippine National Police (PNP)-Drug Enforcement Group sa isang buy-bust operation ang tatlong bigtime na tulak ng droga sa Valenzuela City.

Linggo ng magtatanghali nang isinagawa ang buy-bust operation laban sa mga suspek sa bahagi ng Maysan Road corner Cecilio Santos Street sa Valenzuela City.

Kinilala ni PNP OIC LtGen Vicente Danao, Jr. ang mga naarestong suspek na sina Algie Labenia, 43-anyos,  Nolan Julia, 38-anyos, at Joseph Malasaga, 50-anyos.

Nakuha mula sa mga suspek ang 12kgs ng puting crystalline substance na hinihinalang shabu.

Ayon sa PDEG, ang standard drug price (SDP) di-umano ng nakuhang droga ay umabot sa PhP 81,600,000

Kasama rin sa mga nakumpiska ang buy bust money, Honda Civic color green na may plakang UFY 330, cell phones at sari-saring ID at mga dokumento.

Sinabi ni Danao, ang mga suspek ay mga bagong nakilalang distributor ng iligal na droga na ginagamit ng mga target na nakalista sa ilalim ng Coplan Brubaker.

Ang nasabing Coplan ay naglalayon na magsagawa ng mas pinaigting na case build up at police operations laban sa mga Filipino at Chinese national na walang pakundangang nagbebenta ng shabu sa mga lugar ng NCR, Regions 3 at 4A kasama ng mga PUPC at PDL sa loob ng mga detention at correctional institution.

Samantala, sermon naman ang inabot ng mga suspek mula kay Danao.

“Magbagong buhay kayo ha. Hindi pa huli ang lahat para magbagong buhay ha. Kayo naman oh andaming trabaho na pwedeng gawin eh. Magmuni-muni kayo ng maayos ha, hindi pa huli ang lahat ha?” ani Danao.

Pinuri naman ni LtGen Danao ang PDEG dahil sa kanilang matagumpay na drug buy-bust operation at walang tigil na pagsasagawa ng mga operasyon sa pagsugpo sa iligal na droga sa kabila ng samo’t saring problema ng bansa.

“Unang-una, gusto nating pasalamatan yung ating mga operatiba from the Police Drug Enforcement Group na hindi napapagod at hindi nagsasawa sa pag-operate against sa any forms of illegal drugs. Ito ay patunay na kahit na meron tayong pandemya, meron tayong kinakaharap na hindi pa natapos na eleksyon at saka mga pagra-rally ng iba, ang atin pong trabaho bilang isang pulis lalong-lalo na sa kampanya ng iligal na droga ay hindi humihinto,” ani Danao.

Dagdag pa ni Danao, ang kamay na bakal laban sa iligal na droga ni President Rodrigo Roa Duterte ang kaniyang naging inspirasyon.

Aniya ang susunod na administrasyon sa pamamahala ni presumptive President Bongbong Marcos Jr. ay mayroon ding puso sa pagsugpo ng iligal na droga.

 “Yes definitely, kung makikita ninyo we are inspired by the campaign of our President who is a very, very hard stance against illegal drugs and I know that with the incoming administration of the incoming President Bongbong Marcos I know that he will maintain or retain the same passion in eradicating all forms of illegal drugs in his administration,” dagdag ni Danao.

Kaya naman, binalaan ni Danao ang mga taong magtatangka pa ring magpuslit ng iligal na droga.

“Sabi ko nga paulit-ulit lahat ng gumagawa nito, swerte nyo kung naabutan kayo nang buhay katulad nito hindi naman sila lumalaban so buhay sila. Definitely, may kalalagyan kayo pagka nagtagpo tayo,” ayon pa ni Danao.

Continue Reading
You may also like...

More in National News

Latest News

To Top