National News
PNP, pinag-aaralan ang 5 taong promotion ban sa mga pulis na masasangkot sa katiwalian
Masusing pinag-aaralan ng Philippine National Police (PNP) ang pagpapatupad ng 5 taong promotion ban sa mga pulis na masasangkot sa katiwalian.
Ayon kay PNP PIO Chief Pol/Col. Jean Fajardo, ito ay kung ang tiwaling pulis ay minsan nang na-demote o kaya ay nasuspinde dahil sa pagkakasangkot sa katiwalian.
Magugunitang sa ilalim ng Republic Act 9807 hindi maaring ma-promote ang pulis na may kinakaharap na kaso at dinidinig sa loob ng 2 taon.
Sakaling maaprubahan ang bagong panuntunan madadagdagan ng 3 taon ang paghihirap ng tiwaling pulis bago mabigyan ng promosyon dahil kailangang maabswe ito muna ito sa kinakaharap na kaso.
Subalit kung na-promote ang pulis ngunit nahatulan ng korte dahil sa kanyang kasalanan maari itong bawiin at madaragdagan pa ang kakahaping parusa.
